Bebot na niloko ng BF, makapag-a-abroad at makikilala ang mapapangasawa
- BULGAR

- Nov 25, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 25, 2020

KATANUNGAN
May boyfriend ako, pero nagbreak kami noong September dahil nahuli ko siyang may ka-chat, tapos ang masaklap, best friend ko pa ‘yung babae. Gayundin, ako ang naging dahilan para magkakilala sila. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung magkakabalikan pa ba kami ng ex ko o tuluyan na siyang maaagaw sa akin ng bestfriend ko?
Kung hindi na kami magkakabalikan, kailan ako magkaka-boyfriend ng tapat at panghambuhay?
Pagkatapos ng problema ng mundo sa COVID-19 pandemic, balak ko ring mag-abroad, kaya tanong ko na rin kung matutuloy ba ako at kung oo, magkakaroon ba ako ng magandang karanasan sa ibayong-dagat?
KASAGUTAN
Medyo naputol at pumangit ang unahan hanggang gitnang bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, Doreen. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na tuluyan nang mawawala sa iyo ang ex mong madaling natukso sa ibang babae, na sa bandang huli, tulad ng nasabi na, magkakahiwalay din kayo at hindi kayo ang magkakatuluyan.
Ang isa pang ibig sabihin ng Heart Line na may bilog o bahagyang pumangit mula sa umpisa hanggang sa gitnang bahagi (Drawing A. at B. h-h arrow a.) ay tanda na kung ngayon pa lang sa edad mong 26 hanggang 27, malabo ka pang lumigaya at magtagumpay sa larangan ng pag-ibig. Kumbaga, tuwing makikipagrelasyon ka, pagluha at pagtatalusira ang maaaring maganap, ngunit pagsapit ng edad mong 28 pataas, magiging smooth at okey din ang iyong love life, na madali naming kinumpirma at pinatunayan ng medyo gumanda at naayos na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) sa gitna hanggang dulong bahagi (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda nasa edad mong 28, darating na ang isang lalaki na magpapaligaya sa iyo habambuhay at sa bandang huli ay siya na rin ang iyong makakasama sa pagbuo ng simple pero maligaya at panghabambuhay na pamilya (Drawing A. at B. 1-M arrow c.).
Hinggil naman sa pag-a-abroad, kapansin-pansin ang malawak at kitang-kitang Tarvel Line (Drawing A. at B. t-t arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa edad mo ring 28 pataas, sa pangingibang-bansa, susuwertehin ka at sa nasabing pag-a-abroad, may magandang kapalaran kang aanihin at mararansan sa ibayong-dagat at maaaring tulad ng nasabi na, roon mo na rin matatagpuan ang lalaking panghabambuhay na inilaan sa iyo ng kapalaran, na makakasama mo sa pagbuo ng simple pero masayang pamilya habambuhay.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Doreen, mas mabuting kalimutan mo na ang boyfriend mong manloloko at sa halip, mag-concentrate ka na lang sa pagtatrabaho at pag-a-abroad upang pagsapit ng 2023, kusa nang magaganap sa iyo ang napakagandang kapalaran. Sa panahong tinuran, sa edad mong 28 pataas, makapag-a-abroad ka at sa nasabing pangingibang-bansa, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries ang iyong makikilala, na siya na ring ikalawang magiging boyfriend mo, mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple, pero masaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments