top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bebot na may 2 BF, parehong ka-compatible pero dapat nang mamili

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 20, 2021



Dear Maestro,


Dalawa ang boyfriend ko ngayon, pero hindi nila alam na dalawa sila, kaya ngayon, gusto ko nang mag-seryoso na lang sa isa. Gusto kong malaman, Maestro, kung sino sa dalawang boyfriend ko ang mas ka-compatible ko at nararapat kong seryosohin at makasama kung sakaling mag-aasawa na ako? June 1, 1996 ang birthday ko at ang dalawang boyfriend ko ay tawagin na lang nating si Mr. Libra, na isinilang noong October 10, 1995 at si Mr. Aquarius na isinilang naman noong February 16, 1997.


Umaasa,

Ollie ng Maharlika, SJDM City, Bulacan

Dear Ollie,


Kung Western Astrology ang pag-uusapan, tunay ngang kapwa mo ka-compatible ang boyfriend mong si Mr. Libra at si Mr. Aquarius, sapagkat ang Aquarius at Libra ay kapwa tugma at compatible sa zodiac sign mong Gemini, dahil ang Libra, Aquarius at Gemini ay pare-parehong nagtataglay ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, kayong tatlo sa pagsusuring Astrology ay sadyang tugma at magkaka-compatible sa isa’t isa.


Kaya kung Western Astrology ang tutugon sa tanong kung sino ang dapat mong piliin sa dalawang boyfriend mo na ito, maliwanag ang sagot, “Kahit sino sa kanila ay tunay ngang tugma at ka-compatible mo.”


Subalit sa pagsusuring Numerology, lumalabas na ikaw ay may strong number na 1, habang si Mr. Libra na may birth date na 10 o 1 din (dahil ang 10 ay 1+0=1) ay nagkataong tulad mo, nagtataglay din siya ng strong number na 1.


Ibig sabihin, kapareho mo ring strong number na 1 ang birth date ni Mr. Libra at dahil kapwa kayo nagtataglay ng strong number, posibleng kapag umusad na ang inyong relasyon, magaganap ang madalas na pagtatalo o hindi pagkakaunawaan dahil pareho kayong may pagkamayabang, ma-pride at ma-ego.


Dahil dito, sinasabing sa basic Numerology, kung pag-uusapan ang compatibility, ang talagang dapat na magkasama ay ang isang strong number at weak number upang balanse at mas magiging maligaya ang relasyon.


Sa kaso ng dalawang boyfriend mo, ang birth date na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ni Mr. Aquarius ang mas ka-compatible mo talaga dahil ang numerong 7, na may ruling planet na Neptune-Moon ay isang weak number, kumbaga, mapasusunod mo siya sa lahat ng gusto mo habang patuloy ka naman niyang pagpapasensiyahan sa mga pagkaloka-loka mo at iba pang katangiang hindi tumpak.


Ang ikinaganda pa nito, ang strong number mong 1 ay nagtataglay ng planetang Sun at tulad ng nasabi na, dahil Neptune-Moon ang planeta ng numerong 7, tunay ngang ang pagsasama ng Neptune-Moon at Sun ay sadyang magiging maunlad, maligaya at panghabambuhay.


Kaya kung naghahanap ka ng isang masaya at panghabambuhay na relasyon, wala kang dapat piliin kundi si Mr. Aquarius na may birth date na February 16, 1997, dahil siya ang higit mong ka-compatible sa aspetong Astro-Numerology, kaya sa piling ng nasabing lalaki, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page