top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bebot na magtatagumpay sa career pero 3 beses mabo-broken hearted

BULGAR
Jun 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 12, 2022




KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil may ilang bagay akong nais malaman sa pamamagitan ng guhit ng aking palad. Una, kailan ako magkaka-boyfriend?

  2. Pangalawa, makakatapos ba ako ng kurso kong nursing? Third year college na ako ngayon, gayundin, makakapasa ba ako sa board exam at makakapag-a-abroad ba ako?

KASAGUTAN

  1. Sa tanong mo kung makakatapos ka ng pag-aaral, tiyak na maluwalhati kang makaka-gradweyt. Ito ang nais sabihin ng tuwid na tuwid na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, mula nang nag-aral ka ng elementary hanggang college, hindi ka mahihinto sa pag-aaral hanggang tanggapin mo sa entablado ang iyong diploma.

  2. Samantala, ang malinaw at kitang-kita ring Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow b.) ang nagsasabi namang sa nursing board exam, isang take mo lang ay tiyak na papasa ka. Ang mga pag-aanalisang tinuran sa guhit ng palad ay madali namang kinumpirma ng iyong lagda na maganda, maayos at malinaw ang pagkakasulat. Tanda na mayroon kang stable personality at sapat ang iyong maturity upang makamit mo ang lahat ng iyong mga pangarap sa larangan ng career at propesyon.

  3. Sa kabilang banda, ang maliit na bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) na medyo magulo ang nagsasabing, sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, may tatlong beses na kabiguan kang mararanasan bago tuluyang makasumpong ng stable at masayang pakikipagrelasyon (Drawing A. at B. 1-M arrow d.). Kaya kung hindi ka pa nagkaka-boyfriend ngayon, ihanda mo ang iyong sarili sa tatlong pakikipagrelasyong hindi mo makakatuluyan. Subalit sa ikaapat na pakikipag-boyfriend, magiging maligaya ka na at ito ay hahantong sa panghabambuhay na samahan.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Marivie, magiging matagumpay ka sa career, pero tatlong beses kang mabibigo o magkakaroon ng frustration sa pag-ibig. Dahil dito, dapat mong ipagkaloob ang iyong pagkababae sa ikaapat na magiging boyfriend mo dahil siya ang maghaharap sa iyo sa altar at nakatakdang makakasama mo sa pagbuo ng masagana at maligayang pamilya habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page