top of page
Search
  • BULGAR

Bebot na feeling malas sa pag-a-abroad, dapat pa ring mangibang-bansa

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | January 17, 2022






KATANUNGAN


  1. Ang problema ko ay ang aking pangingibang-bansa, kung saan maraming beses na akong nakapag-a-abroad, pero palaging bigo at malas dahil hindi ako makatagpo ng mabait na employer. At mula nang nagka-pandemya, nandito lang ako sa bahay kaya naubos ang ipon ko at nabaon sa mga pagkakautang.

  2. Maestro, sa kabila ng lahat, balak ko muling mag-abroad at mag-DH ulit sa Dubai dahil may kaibigan ako roon na tutulong sa akin. Kapag muli ba akong nag-abroad, may pag-asa ba na gumanda na ang buhay ko sa Dubai kasama ng kaibigan ko sa kanyang employer? Sabi niya sa akin ay mabait at galante ang kanyang amo.

  3. Ano ang masasabi n'yo sa aking kapalaran hinggil sa career o aspetong pangkabuhayan, may pag-asa pa ba akong makaahon sa mga pagkakautang at umunlad ang aming buhay?


KASAGUTAN


  1. Medyo magulo ang unang bahagi ng malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa simula ng mga pangingibang-bansang isasagawa, tunay ngang maraming pagsubok at problemang mararanasan. Ngunit kapag ikaw ay nagtiis at patuloy na nakihamok sa buhay, tulad ng isang madilim na ulap, matatapos din ang kadiliman at bukas ay sisikat din sa buhay mo ang isang maningning at maliwanag na umaga, na nagbabadya ng bagong pag-asa at pag-unlad, lalo na sa aspetong pangkabuhayan. Ito ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng birth date mong 10 sa destiny number na 8.

  2. Ibig sabihin hindi mananatili sa buhay mo ang kahirapan, pagsubok at problema. Sa halip, mananawa at mag-aalisan din 'yan, at kapag tuluyang lumayas ang mga negatibong pangyayari sa iyong buhay, tulad ng nabanggit, sa muli mong pangingibang-bansa, itatala na ang mas maunlad at maligayang karanasan.


DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Sherlyn, ituloy mo lang ang pakikipag-ugnayan sa kaibigan mong nasa Dubai, at kapag tuluyan nang humupa ang COVID-19 cases, hindi lamang dito sa ating bansa kundi maging sa buong mundo at may “go signal” na ulit upang makapag-ayos ng mga papeles at makapangibang-bansa, magmadali kang mag-ayos ng mga papeles. Dahil ayon sa iyong mga datos, sa muling pangingibang-bansa na nakatakdang maganap sa last quarter ng taong ito ng 2022, sa edad mong 34 pataas, (t-t arrow b) tiyak ang magaganap – may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran, hanggang sa tuloy-tuloy nang makaahon sa mga pagkakautang at tuluyan na ring umunlad at sumagana ang kabuhayan ng inyong pamilya.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page