top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bebot na ‘di na dapat umasang magbabago ang bf dahil iba ang makakatuluyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 3, 2022



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo tungkol sa aking problema sa pag-ibig, pero ‘wag n’yo nang ilagay ang birthday namin ng boyfriend ko dahil hindi alam ng mga katrabaho ko ang nangyayari sa amin.


Balo kasi ako at siya ay hiwalay naman sa asawa. Sa ngayon, mahigit seven years na ang aming relasyon, pero wala pa rin siyang pagbabago. Dapat ko pa ba siyang bigyan ng pagkakataon o dapat wakasan ko na ang aming relasyon?


Ayon sa Chinese Astrology, kung hindi ako nagkakamali, siya ay fire element at Water Rabbit sa Chinese Calendar. Sabi nila, kapag fire ang element, susunugin niya ang kanyang karelasyon, totoo ba ‘yun? Para kasing totoo ang nangyayari sa amin, ano ang maipapayo n’yo dahil wala na akong ginawa kundi ang ipagdasal siya, pero inborn character yata niya ito at hindi na mababago.


Maestro, I truly love him, kaya gusto ko siyang mapabuti, pero parang wala siyang pagbabago.


Umaasa,

Lissa ng Kamuning Road, Quezon City

Dear Lissa,


Kung anu-ano ang sinasabi mo sa kapareha mo na “hindi nagbabago” at may salita pang “inborn character”, samantalang wala ka namang espisipikong kapintasan ng iyong karelasyon. Ano ba ang masamang ugali niya, bakit hindi mo binanggit?


Ngayon, dahil wala kang masabing masamang ugali niya, puro lang salitang “magbabago kaya siya,” lumalabas ang katotohanang unconsciously ay ayaw mo pa ring mawala siya sa buhay mo dahil mahal mo pa rin siya.


Pero ang problema, hindi kayo compatible sa Astrology at Numerology dahil ang tunay mong ka-compatible ay silang may mga birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22 at 31, higit lalo silang mga under sa zodiac sign na Gemini, Libra, Leo at Aquarius.


Kaya tanggapin mo na lang na kasama mo siya, hindi dahil sa maibibigay niya sa iyo kundi dahil mahal mo lang siya at ‘wag mo na ring asahang magbabago ang kanyang ugali dahil mapu-frustrate ka lang kapag inisip o pinilit mo pa siyang magbago.


Hinggil naman sa tanong kung totoong susunugin ng fire element ang kanyang makakapareha, hindi totoo ‘yun dahil apat lang ang elemento o kahit lima sa Chinese Astrology— ang Fire, Earth, Water, Wood at Metal, ibig bang sabihin, wala nang pag-asang lumigaya ang isang taong Fire? Gayundin, wala na bang pag-asa ang mga makakarelasyon ng fire dahil susunugin lang siya ng kanyang partner?


Kaya hindi ganu’n kasimple ang mga bagay na nabanggit hinggil sa pag-aanalisa ng mga elemento sa ating zodiac sign, maging Western o Chinese Astrology man, bagkus, may malalim na kaugnayan ang elemento sa kapalaran ng isang tao.


Halimbawa silang mahihina ang loob, dapat sa kanila ay magkaroon ng kaibigang “Fire” upang lumakas ang kanilang loob. Ang mga mahiyain, walang kabuhay-buhay sa sex, hindi magka-anak at iba pang sikolohikal na kawalang sigla, dapat silang magkaroon ng kaibigang “Fire” o kasangkapang pinanggagalingan ng Fire o Init upang magkaroon sila ng mas bago, masigla, maalab at lively na buhay.


Kaya maling sabihin na porke Fire ang element ay manununog na ng kanyang makakasama at hindi porke water ay lulunurin naman ang makakarelasyon. Ang ganyang pag-aanalisa o paniniwala ay napakalaking pagkakamali, na masyadong pinabababaw ang napakalalim at mahiwagang pilosopiya ng Chinese Astrology.


Samantala, ‘wag mo nang problemahin ang iyong love life dahil mas magandang maglakbay at magpasarap ka sa buhay. Dahil ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran, sa taong 2023, magsisimula muling umunlad at magiging maligaya ang iyong karanasan.


Sa nasabing kakaibang paglalakbay, sa edad mong 33, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong makakatagpo, magiging magkaibigan kayo hanggang makabuo ng matimyas at maligayang relasyon, na sa taong 2025 o sa edad mong 35 pataas, ang nasabing relasyon ay hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page