top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bebot na atat mag-asawa, makakatuluyan ang ikalawang BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| January 22, 2021




KATANUNGAN


1. May boyfriend ako sa ngayon at ang itatanong ko ay siya na ba ang makakatuluyan ko? Magte-33 years old na kasi siya sa na Pebrero 25 at parang wala pa rin siyang balak mag-asawa.

2. Hindi ko naman masabing magpakasal na kami dahil baka isipin niyang atat na atat ako sa kanya at nag-aapura, pero sa totoo lang, sa edad kong 28, pakiramdam ko ay nasa tamang edad na ako para mag-asawa.

3. Siya na ba ang lalaking nakatakda kong makasama habambuhay at kung sakaling kami ang magkakatuluyan, magiging maligaya at panghabambuhay na ba ang aming relasyon?


KASAGUTAN


1. Bagama’t parang dalawa ang namataang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, kapansin-pansing maikli at mababaw ang pagkakaguhit ng una (arrow a.), samantalang higit na mahaba, malalim at malinaw, na makapal ang ikalawang (arrow b.) Marriage Line.

2. Ibig sabihin, kung sino ang ikalawang magiging boyfriend mo, humigit-kumulang siya na ang makakatuluyan mo. Kaya kung ang kasalukuyan mong boyfriend ay ang iyong ikalawang nobyo, tulad ng naipaliwanag, ang ikalawang makabuluhan at pangmatagalang relasyon ang nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay.

3. Ang pag-aanalisang ang kasalukuyan mong boyfriend ang maaari mo nang makatuluyan o mapangasawa ay madali namang kumpirmahin ng Astro-Numerology na pag-aanalisa.

4. Kung siya ay isinilang sa mga petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, sa zodiac sign na Pisces, walang mintis, siya na nga ang makakatuluyan at makakasama mo sa pagbuo ng simple pero masayang pamilya habambuhay.


DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Kyla, kung ang kasalukuyan mong boyfriend ay ang ikalawang boyfriend mo, siya na nga ang iyong makakatuluyan at mapapangasawa. Ang pag-aasawang nabanggit ay maaaring maganap sa susunod na taong 2022 sa buwan ng Mayo o Oktubre sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page