top of page
Search
  • BULGAR

Bebot, `di makakatuluyan ang 28 -Anyos na boylet

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Abril 7, 2024


Dear Maestro,


May asawa na ako at nagsasama na lang kami dahil sa mga bata. Mahal pa niya ako, pero hindi ko na siya mahal. Siguro ito ay dahil sa loob ng mahigit 10 years naming relasyon, puro sama ng loob at pagdurusa sa pambababae at pag-inom niya ang tiniis ko, nawala ang pagmamahal ko sa kanya hanggang sa maging bitter na ako.


Isang araw, hindi ko akalaing iibig akong muli, kahit 37-anyos na ako ngayon habang 28 years old na binata ang nagkagusto sa akin. Kunsabagay, kung titingnan ay mukha pa naman akong 26-anyos at parang dalaga pa. Ramdam ko na talagang mahal niya ako at tanggap niya ako. Nag-abroad siya at iniwanan niya ako ng pangako at ibinilin sa mga kaibigan niya at kaibigan ko na bantayan at alalayan ako.


Sa dami ng nakarelasyon ko, iba talaga siya dahil napaka-mature at malawak ang isipan niya. Hanggang isang araw, nawala ang cellphone ko na tanging koneksyon namin. Hindi ko na alam kung paano kami magkakaroon ng komunikasyon dahil wala rin siyang Facebook at Messenger.


Kahit ano ang gawin ko, palagi siyang nasa puso at isipan ko. Ramdam ko na tapat siya sa akin at mahal niya ako, pero napakatagal ng tatlong taon na kontrata niya.


Nanlulumo ako sa bawat araw at parang gusto ko nang mamatay. Mas gusto ko pa na tapatin niya ako at sabihing ayaw na niya sa akin kesa ganito na patuloy akong umaasa sa pangako niya.


Gusto kong malaman kung magkikita pa ba kami at makakatuluyan ko ba siya? Ano ang magiging kinabukasan naming dalawa? November 22, 1986 ang birthday ko at December 3, 1995 naman siya.


Umaasa,

Miles ng San Pablo, Jaen, Nueva Ecija


Dear Miles,


Dahil “neighboring compatibility” lang ang ugnayan o relasyong namamagitan sa inyong dalawa, dahil ang zodiac sign mong Sagittarius ay medyo malapit o may pagka-Scorpio, habang siya naman ay purong Sagittarius, tiyak ang magaganap. Sa bandang huli, makakalimutan mo rin siya o ikaw ang makakalimutan niya para makatagpo at makahanap naman siya ng mas karapat-dapat na babae para sa kanya.


Hindi ko naman sinasabing hindi ka karapat-dapat na babae, bagkus, ang ipinapaliwanag natin, sa praktikal na aspeto, may asawa at anak ka, habang kung siya naman ay binata, posibleng bumalik sa katinuan ang kanyang pag-aanalisa kung ano talaga ang ideal na pagpapamilya para sa kanya.


Gayunman, dahil matindi talaga ang atraksyon n’yo sa isa’t isa, hindi naman basta-basta mapuputol ang inyong samahan o ugnayan. Kumbaga, palagi pa rin kayong may ugnayan sa isa’t isa, pero hindi naman ito mauuwi sa isang lehitimong relasyong parang tunay na mag-asawa.


Kaya ang mas maganda mong gawin ay maniwala sa sinasabing, “Better luck next time”. Ibig sabihin, doon sa mga lalaking mas ka-compatible mo talaga tulad ng Leo, Aries, Cancer, Pisces o kapwa mo Scorpio na may birth date na 5, 14, 23, 7, 16, 25, 3, 12, 21, 30, 9, 18 at 27 ka magseryoso at umibig dahil sa kanila, mas matatagpuan mo ang mas maligayang pag-aasawa.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page