top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bebot, dapat tumaya sa lotto outlet na malapit sa lumang bahay para sure ang panalo

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 23, 2023


Dear Maestro,


Madalas akong makipagsapalaran sa lotto. Ngunit, hanggang ngayon hindi pa rin ako nananalo. Hihingi sana ako sa inyo ng masuwerteng numero. Kinakailangan ko kasi ngayon ng malaking salapi, dahil baon na ako sa utang lalo na sa credit card at malapit na akong mademanda.


Naisipan ko na ring magtago at magpakalayu-layo dahil may iba pa kong mga pinagkakautangan.


Ang birthday ko ay November 13, 1978.

Umaasa,

Erlinda ng Santa Monica, San Simon, Pampanga

Dear Erlinda,


Ayon sa birth date mong 13 o 4, (ang 13 ay 1+3=4) sa destiny number na nagkataong 4 din (11+13+1978=2002/ 20+02=22/ 2+22=4) ikaw ay likas na mapalad sa lahat ng numero na may sumatotal na 1, 7 at 4, tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 16, 15, 34, 43, 13, 22, 31, 40, 49 at iba pang kauri nito.


Bukod sa nasabing mga numero, suwerte ka rin sa kulay na dilaw at pula. Ang dilaw ay para sa birth date at destiny number mong 4, habang ang pula naman ay para sa zodiac sign mong Scorpio na may ruling planet na Mars.


Lagi kang magsuot ng nasabing mga kulay sa tuwing ikaw ay makikipagsapalaran upang mas madali mong mahigop ang suwerte at magagandang kapalaran.


Ang pinakamapalad mo namang panahon ay mula sa ika-20 ng Hunyo hanggang sa ika-25 ng Hulyo, mula sa ika-20 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre at mula sa ika-20 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso.


Magsisilbi mo namang panghatak ng suwerte ang batong topaz na ipapalamuti sa gintong singsing.


Bukod sa nasabing mga numero, puwede mo ring subukan ang 1, 18, 23, 27, 31 at 40, gayundin ang numerong 7, 15, 26, 28, 32 at 41. Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Knowledge, 182/ 642/ 449/ 905.


Upang makasigurado ng malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na nakapuwesto malapit sa isang lumang bahay. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ng salapi sa taong 2025 sa edad mong 47 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page