Beauty queen Sharifa Akeel at Maguindanao Rep. Mangudadatu, kasal na
ni Lolet Abania | August 26, 2021

Ikinasal na si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel kay Second District Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu kahapon, Agosto 25, 2021 na ginanap sa Al Nor Hotel and Convention Center sa Cotabato City.
Ang mga larawan na nai-post ng mga bisita na dumalo sa kanilang wedding ceremony ay nai-share naman ng mga ito sa sikat na pageant fan page na Pageant Talk.
Nauna nang inianunsiyo na limitado lamang ang bilang ng mga guests na kanilang inimbita bilang pagsunod sa safety protocol sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nakoronahan si Sharifa Akeel bilang Miss Asia Pacific International noong 2018, kung saan ang relasyon ng Muslim beauty queen kay Mangudadatu ay nagdulot ng kontrobersiya sa loob ng nakalipas na ilang taon dahil napabalitang nagpakasal si Mangudadatu kay Mylene Maligaya kaya naakusahan ang kongresista at ang beauty queen ng pagkakaroon ng bawal na relasyon.





Comments