top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bawat lungsod at munisipalidad, dapat may evacuation center — Gatchalian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2020
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 22, 2020




Iminumungkahi/isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na magkaroon ng permanenteng evacuation center ang bawat lungsod at munisipalidad ng bansa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10821 o ang Children's Emergency Relief and Protection Act, nasasaad na maaaring gamiting evacuation center ang mga paaralan ngunit ito ay pang-“last resort” lamang sa loob ng maikling panahon.

Isinusulong niya ang Senate Bill No. 747 (Evacuation Center Act) upang masigurong magkakaroon ng evacuation centers na maaaring magamit kaagad ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna.

Aniya, “Dahil madalas nakakaranas ang ating bansa ng mga sakuna kung saan kailangan nating ilikas ang mga naapektuhang mamamayan, kailangang pagsikapan din nating magkaroon ng permanenteng evacuation center ang bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.

"Hindi lamang nito patatatagin ang kakayahan ng ating mga lokal na pamahalaan na rumesponde sa mga sakuna, makatutulong din ito upang maiwasan natin ang paggamit sa mga silid-aralan at masiguro nating mas mabilis makakabalik ang ating mga mag-aaral pagkatapos ng isang sakuna.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page