Bawas-presyo sa petrolyo, simula Hulyo 7
- BULGAR

- Jul 5, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 5, 2020

Magkakaroon ng bawas-presyo ng produktong petrolyo simula sa Martes, Hulyo 7.
Matapos ang sunud-sunod na oil price hike, may rollback sa presyo ng langis.
May bawas-presyong P0.70 hanggang P0.80 kada litro ng gasolina. Nasa P0.30 hanggang P0.40 bawas-presyo sa kerosene. Napako ang presyo ng diesel dahil sa World Market.
Samantala, umabot naman sa mahigit P10 kada litro ang gasolina, P8 sa diesel at P9 sa kerosene matapos ang siyam na magkakasunod na linggong oil price hike.





Comments