Batikang direktor na si Bert de Leon, pumanaw na

ni Jasmin Joy Evangelista | November 22, 2021

Pumanaw na ang beteranong TV director na si Bert De Leon sa edad na 74.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Niko de Leon.
Binawian ng buhay ang direktor sa isang pagamutan ganap na 3:12 ng madaling araw ng Nobyembre 21.
Hindi naman nagbigay ng dahilang ng kamatayan ng ama si Niko.
Noong Hulyo ay itinakbo sa pagamutan ang direktor matapos atakihin sa puso kung saan sumailalim siya sa angiogram at nang makalabas ay nagpositibo sa COVID-19.





Comments