Batangas Vice Gov. Mark Leviste, positibo sa COVID-19
- BULGAR

- Aug 1, 2020
- 2 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 1, 2020

Inanunsiyo ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste ngayong Sabado, August 1, na positibo siya diumano sa COVID-19.
Sa Facebook post, kalakip ng isang video, caption ni Leviste, “Nais kong ipaalam sa inyo na lumabas ngayong August 1 ang resulta ng swab ko na isinagawa noong July 28, at nag-positive ang test ko. Mula noon hanggang ngayon, wala akong nararamdaman na sintomas ng COVID-19 o anumang sakit. At this juncture, my earnest request is for your prayers.”
Aniya sa video, “Magandang araw at magandang buhay. Mark here. How’s your long weekend coming along? I hope everyone is in good health.
“Nais ko pong kunin ang pagkakataong ito na ipaalam sa inyong lahat na nakatanggap po ako ng text message or update mula sa aming provincial health officer ng Batangas na si Dr. Rose Ozaeta ngayong araw, Sabado, August 1. At ang sabi niya, nag-positive ang latest swab test ko.
“In the spirit of accountability and transparency, let me explain the background of my recent examination.
“Noong Martes, July 28 o four days ago, one of my 2 household helps informed me that she was experiencing a headache and cough. While my other helper said that she had mild colds. Then and there, I decided to call the provincial health office and I was advised to submit them for swabbing immediately. And since we all live under one roof, I was told to undergo a swab test too.
“Pagkatapos kaming suriin, bumalik na kami agad sa bahay at mula noon, nanatili na po kami dine upang mag-self quarantine hanggang hindi pa po lumalabas ang aming mga resulta. As a matter of fact, both of our household helps, isolated themselves.
“Sa awa ng Diyos, negative po ang mga resulta ng dalawang kasambahay naming. Subalit ayon sa PHO, sasailalim sila sa reswabbing upang tiyakin ang kalagayan nila o estado.
“Samantala, nagpa-swab test na rin po ang aking tatlong anak at hinihintay na lang namin ang kanilang mga resulta.
“Noon pa man at magpahanggang ngayon, wala po akong nararamdaman na sintomas ng COVID-19 o anomang sakit.”





Comments