top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Batang 'di bakunado, puwede sa face-to-face classes

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2022
1 min read

@Editorial | March 3, 2022



Kasunod ng pagsasailalim sa 'new normal' sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar sa bansa, balik-face-to-face classes na rin.


Kaugnay nito, nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi required ang mga batang mag-aaral na magpabakuna kontra-COVID-19 para sa face-to-face classes.


Hindi ito mandatory, lalo na't nasa pagpapasya ng magulang kung patuturukan ang anak o hindi.


Gayunman, hinihikayat pa rin ng pamunuan ng DepEd na pabakunahan ang mga bata, kahit pa mas malakas ang immunity ng mga ito laban sa COVID-19. Matatandang, batay sa mahigit 15,000 estudyante na lumahok sa pilot phase ng in-person classes noong November hanggang December, walang nag-positive sa virus.


Samantala, required naman ang mga teaching and non-teaching personnel na magpabakuna para sa in-person classes.


Ang mga unvaccinated personnel ay puwede pa ring magtrabaho sa bahay o mag-COVID test bago mag-report sa trabaho.


Nakakatuwa na unti-unti na tayong nakakabalik sa mga dating gawain, bagama't kailangan pa ring mag-ingat.


Palagi nating paalalahanan ang bawat isa, lalo na ang mga bata na maging maging responsable at maingat habang nasa labas ng bahay o nasa paaralan.


Ipaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng pagiging malinis sa katawan at ang pag-aalaga sa sarili para makaiwas sa anumang uri ng sakit.


Sana maging matagumpay ang unang dalawang linggo sa ilalim ng Alert Level 1 para magtuluy-tuloy na ito.


Kailangan na talaga nating sabayan ang pandemya. Tapusin na natin ang mga panahon na palagi tayong nangangamba at nasasakripisyo na lang ang mahahalagang bagay tulad ng edukasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page