Banyagang 35-anyos, puwede nang mag-retire sa 'Pinas, pinalagan ni Binay

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 22, 2020

Nanawagan si Senator Nancy Binay nitong Miyerkules sa Philippine Retirement Authority (PRA) na i-review ang kanilang polisiya kung saan pinapayagan ang mga banyagang edad 35 na magretiro sa bansa.
Ayon kay Binay, kailangang i-review ng PRA ang kanilang polisiya “to lessen the probability of foreign nationals exploiting the special resident retiree visas (SRRV) to stay in the Philippines.”
Aniya, “It’s high time to review the policy na 35 years old ka lang ay puwede ka nang mag-retire rito sa Pilipinas kasi ang kailangan lang po ng magre-retire ay either mag-deposit siya ng US$50,000 sa bangko, or bumili ng condo unit worth P2.5 million at puwede nang mag-retire rito.”
Naalarma ang mga senador nang malaman nilang ang mga banyagang edad-35 ay eligible na sa SRRV sa isinagawang Senate hearing. Karamihan din umano sa mga naturang banyaga ay mga Chinese nationals.
Saad ni Binay, “Siguro, dapat dagdagan din ang security measure at baka dapat higpitan ang vetting process ng mga tatanggapin natin regardless of nationality. “Alam naman natin at 35 years old, malakas pa po ang katawan niyan.
Lalung-lalo po mayroon tayong problema ngayon na kung saan may issue tayo na apparently ang mga kababayan natin ay nagkakaroon ng job displacement pagdating dito sa pagpasok ng mga Chinese nationals sa ating bansa.
“Puwede (ang mga ‘yan ay) nagtatrabaho sa POGO (Philippine offshore gaming operator), or puwede rin po, baka nandiyan sila sa Divisoria.
Kaya nga po magandang tingnan at pag-aralan kasi baka kumbaga, ginagamit nila itong paraan to circumvent the law na hindi sila puwedeng magtrabaho rito.”





Comments