Bangkay ng dating pulis, Alvin John Eleazar at Ariel Padilla, natagpuan na
- BULGAR

- Aug 7, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo | August 7, 2020

Pinasiyasat ni Police Brig. Gen. Rodolfo Azurin Jr., Ilocos regional police director sa Pangasinan Provincial Police ang tungkol sa pagpatay kay dating pulis at ilang kasama mula sa Binalonan.
Ayon sa mga pulisya natagpuan ang mga bangkay ng dating pulis na si Alvin John Eleazar, 31-anyos at ang kanyang partner na si Ariel Padilla sa sapa sa Barangay Killo, Sison noong Hulyo 26.
Dinala na ang mga labi ng biktima sa funeral home sa Sison at ayon sa mga imbestigador naiulat na nawawala ang dalawa noong Hulyo 24.
Nagtamo ng tama ng baril sa ulo ang dalawa na dahilan ng kanilang pagkamatay, nakabalot ng plastic ang ulo ni Padilla at nakatali ang mga paa ng masking tape.
Huling na-assign si Eleazar sa intelligence section of Region I Police Office bago matanggal noong Disyembre 2019.
Ayon kay Azurin bahagi ng imbestigasyon ang mga ginawa niya sa trabaho at mga krimen na inayos nito bago mapaalis sa trabaho.





Comments