BamBam ng GOT7, bibisita sa Manila at Cebu sa Setyembre
- BULGAR
- Aug 10, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 10, 2024

BamBam ng GOT7, bibisita sa Manila at Cebu sa Setyembre
Muling bibisita ang lead rapper, lead dancer, at sub-vocalist ng GOT7 na si BamBam sa Pilipinas sa susunod na buwan.
Bibisitahin ng leader ng K-Pop boy group na GOT7 ang IC3 Convention Center sa Cebu sa Setyembre 6 para sa isang fansign event, at ang New Frontier Theater sa Quezon City, Metro Manila sa Setyembre 9 para sa isang concert.
Idaraos ang mga kaganapan bilang suporta sa ikatlong mini album ni BamBam na "Bamesis," na inilabas noong Agosto 8.
Matatandaang ilang beses na bumisita si BamBam sa Pilipinas noon. Huli siyang bumisita sa Pilipinas noong Setyembre 2023 para sa kanyang unang solo concert sa bansa, kung saan nagtanghal siya ng cover ng kantang "Raining in Manila" ng Lola Amour.
Magiging panauhin naman sa upcoming concert ang close friend ni BamBam na si Sandara Park.
Comentarios