top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Balik-coding sa pribadong sasakyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2021
  • 1 min read

@Editorial | November 30, 2021



Grabe na naman ang trapik!


Nangangahulugan lang ‘to na talagang nagbabalik na ang sigla ng ekonomiya. Marami nang lumalabas, nagtatrabaho, namimili at namamasyal.


Ang problema, tumitindi na naman ang trapik at marami rin ang naaabala.


Bilang solusyon, pumayag na ang mayorya ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na ibalik na ngayong linggo ang number coding scheme tuwing rush hour sa hapon.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), iiral ang number coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes, alas-5: 00 ng hapaon hanggang alas-8: 00 ng gabi.


Tanging mga pribadong sasakyan lang ang apektado sa naturang implementasyon at hindi kasama ang mga public utility vehicles (PUVs).


Kahit paano ay mababawasan ang trapik at mapabibilis ang biyahe.


Mas malaking tulong din kung palaging disiplinado ang mga drivers at commuters. Kung lahat ay sumusunod sa batas-trapiko, maiiwasan ang banggaan at paninita na nakadaragdag-bara sa kalsada.


Hindi lang kabuhayan ang nalalagay sa alanganin dahil sa trapik kundi nalalantad din sa kapahamakan ang buhay ng mga lansangan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page