Balak na gantihan ang babaerong mister, ‘di matutuloy dahil makakabalikan
- BULGAR

- Mar 10, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| March 10, 2021
Dear Maestro,
Nambabae ang mister ko at ngayon, ibinahay pa niya ‘yung babae. Kaya ngayon ay balak kong gumanti sa kanya. Kung hindi na niya kami babalikan, manlalalaki na rin ako para naman may makasama ako at makatulong sa buhay.
Sa palagay n’yo, babalik pa ba ang mister ko o dapat ko na siyang palitan? Pareho kaming Capricorn ng mister ko, January 10, 1978 ang birthday niya at January 4, 1979 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Cristine ng Mulawin, Oranin, Bataan
Dear Cristine,
Hindi ka pa dapat manlalaki o tumulad sa iyong mister na pumatol sa ibang babae, gayung may legal siyang asawa. Sapagkat ayon sa zodiac sign mong Capricorn at Capricorn din pala ang iyong mister, tugma at compatible kayong dalawa dahil kapwa kayo pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin, maghintay-hintay ka lang ng ilang panahon dahil malaki pa ang porsiyento na kayo ay maaaring magkabalikan.
Dagdag pa rito, sa pag-aanalisang Numerology ay halos tugma rin kayo. Ito ay nangyari dahil ang birth date mong 4 ay sadya namang suwetong-suweto sa birth date na 10 o 1, dahil ang 10 ay kinokompyut na 1+0=1, at dahil ang 4 at 1 ay kapwa nagtataglay ng planetang Uranus-Sun, ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology o zodiac sign tugma ng mister mo, kundi tugma at compatible rin kayo sa Numerology.
Samakatuwid, dahil tugma ang inyong tadhana, ayon sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, sa bandang huli, kapalaran ang gagawa ng paraan upang kusa kayong magkabalikan at muling mabuo ang inyong pamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa taon ding ito ng 2021 sa buwan ng Abril o Mayo sa edad mong 42 pataas.




Comments