top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bakuna sa manggagawa, hindi sapilitan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2021
  • 1 min read

@Editorial | October 22, 2021



Sa nagpapatuloy na usapin sa dapat bang obligahin ang mga empleyado na magpabakuna, binigyan-diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi ito puwede.


Labag sa batas na sibakin ng mga employers ang kanilang manggagawa o huwag ibigay ang kanilang sahod dahil sa pagtangging magpabakuna.


Sa ngayon, walang legal na basehan para sa mandatory vaccination ng mga manggagawa sa bansa.


Gayunman, maaari umanong tukuyin ng mga employers sa Metro Manila ang Inter-Agency Task Force resolution na pumapayag sa mas marami pang mga negosyo na makapag-operate sakaling marami sa kanilang empleyado ang bakunado na kontra-COVID-19.


Marami rin ang hindi pabor sa mandatory vaccination dahil wala pang sapat na supply ng bakuna.


Kaya sa mga manggagawa na pinipilit magpaturok o hino-hold ang sahod, may karapatan kayong magreklamo.


Ang isang bagay pa na kapansin-pansin, may ibang bakunado na feeling safe na at nagiging masyadong kampante.


Paulit-ulit na paalala, ang bakuna ay hindi lisensiya para magpabaya.

Palagi pa ring sumunod sa health protocols.


Bakunado o hindi, dapat maging disiplinado.


Magandang pangitain ang patuloy na pagbaba ng bagong kaso ng COVID, sana’y magtuluy-tuloy na ‘to.


Umasa tayong tuluyan nang makokontrol ang sitwasyon.


Unti-unti na rin tayong makakabawi mula sa pandemya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page