Bagyong Enteng, namataan sa Baler, Aurora
- BULGAR

- Aug 8, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 8, 2020

Namataan ang Bagyong Enteng sa layong 510 km sa silangang bahagi ng Baler, Aurora, ayon sa PAG-ASA na patuloy na binabantayan.
Isang tropical depression ang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) na tinawag na Bagyong Enteng na ayon sa datos ng PAGASA namataan 510km east ng Baler, Aurora (16.1 N, 126.3 E) na may galaw papuntang north 10 kms per hour (km/h), at may maximum sustained winds na 45km/h malapit sa sentro at napapanatiling bugso ng hanggang 55 km/h. Nakakaapekto ang southwest monsoon sa Central at Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon pa sa PAG-ASA, walang tropical cyclone wind signal na bigay ang Bagyong Enteng. Subalit, ang southwest monsoon o habagat at monsoon rains ang nagdudulot ng mahina hanggang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Bataan, Zambales, Pangasinan, MIMAROPA at Western Visayas.
Pabugsu-bugsong pag-ulan din ang mararanasan sa La Union, Benguet, Nueva Ecija, Quirino at iba pang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region.
Gayundin, pinapayuhan ang publiko sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods o landslides dahil sa katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan dala ng habagat.
Inaasahan ang paglabas sa bansa ng Bagyong Enteng bukas, August 9. Ang Tropical Depression Enteng ang unang bagyong pumasok sa ating bansa ngayong Agosto.





Comments