top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagsik ng COVID-19, ilantad sa publiko!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2020
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | July 13, 2020



Bukod sa paulit-ulit na pagpapaalala sa publiko na mag-ingat at sumunod sa minimum health standards, naniniwala ang mga eksperto na may magagawa pa ang Department of Health (DOH) para lalong mag-ingat ang publiko laban sa COVID-19.


Masyado na kasing maraming kampante at namumuhay na tila walang banta ng sakit.

Bagama’t karamihan sa mga tinatamaan ng COVID-19 ay asymptomatic o mild, kailangan pa rin umanong makita ng tao kung gaano ito kabagsik.


Giit ng eksperto, hindi sapat na gumamit lang ng endorser ang DOH dahil hindi ito seseryosohin ng publiko. Dapat umanong ipakita sa taumbayan ang mga larawan ng pasyenteng nasa ICU at naka-intubate.


Habang wala pang gamot sa virus, kailangan naman umano ng mas mahgpit na pagpapatupad ng minimum health standards.


At kahit magandang balita na maraming gumagaling, dapat din nating isipin na may mga hindi kinaya ang COVID-19.


Masyadong kampante ang marami. Dedma sa curfew at kahit ano’ng oras, maraming istambay na karamihan pa ay menor-de-edad.


Tulad na lang sa isang barangay sa Navotas kung saan isang grupo ng kalalakihan ang nagba-basketball nang walang facemask, habang ang mga nanonood naman ay walang social distancing.


Agad namang tinanggal ng barangay ang basketball ring, na ikinatuwa ng ilang residente. Pero kahit wala nang nagba-basketball, sandamakmak na kabataan naman ang makikitang naglalaro sa kalye at karamihan ay walang suot na facemask.


Marami pa rin talagang walang katakut-takot dahil ‘di pa tinatamaan ng sakit.


Kunsabagay, ‘yan tayong mga Pinoy, eh. Hihintayin munang may masampolan bago tablan ng takot.


Paalala lang, walang pinipiling tao at edad ang sakit na ito. Kaya kung dededmahin ang banta at walang gagawin kundi mag-pasaway, pasensiyahan na lang.


Pakiusap naman sa kinauukulan, ipakita sa publiko kung ano ang epekto at gaano kahirap tamaan ng COVID-19, baka sakaling umepekto at matakot ang mga ito.


Marami nang buhay ang nawala dahil sa pandemya, kaya ‘wag na nating dagdagan at plis lang, tulungan natin ang isa’t isa na makaligtas sa COVID-19.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page