top of page

Bagong strain ng COVID-19, tatapatan ng Bayanihan 3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2020
  • 1 min read

@Editorial | December 30, 2020



Pinag-aaralan na ng ilang mambabatas at ng finance managers ang pagsusulong ng Bayanihan 3, kasunod ng nadiskubreng bagong strain ng COVID-19.


Tinitingnan umano kung may paghuhugutan ng pangtulong sa mga nawalan ng trabaho at sa mga nagsiuwian ng probinsiya para makapagsimula ng panibagong kabuhayan.


Kasabay nito ay ang pakikipag-usap din kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibleng pagsusulong ng Bayanihan 3.


Sa ngayon, talagang unti-unti pa rin sa pagbangon ang ekonomiya. Napakalawak ng epekto hindi lang ng pandemya kundi maging nga mga nagdaang bagyo at iba pang kalamidad. Habang sinisikap ng gobyerno na makalikom ng pondo ay hindi rin matatawaran ang pagsisikap ng bawat pamilya na muling maitaguyod ang isa’t isa.


Silang mga tuluyang nawalan ng trabaho o bumagsak ang negosyo ay nakagagawa pa rin ng paraan upang maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan.


Masasabing malaking bagay ang naitulong ng Bayanihan 1 at 2 — nabigyan ng ayuda ang mga empleyadong pansamantalang nawalan ng trabaho, habang may mga pamilya naman na nagamit ang natanggap nap era bilang puhunan sa maliit na negosyo.

Kaya dagdag-tulong din kung maaaprubahan ang Bayanihan 3.


Ang pakiusap lang natin sa mga namamahala sa pamimigay ng ayuda, sana’y mabigyan na ang mga pamilya na sinasabing higit na nangangailangan at mas karapat-dapat tulungan subalit, hindi napabilang sa Bayanihan 1 at 2.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page