Bagong damit, simbolo na magkakaroon ng bagong buhay
- BULGAR

- Sep 2, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 2, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Mintchi na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Sa panaginip ko, nasa mall ako at bumibili ng mga damit at pants. Kahit mahal, kinuha ko dahil bagay na bagay sa akin.
May panaginip din ako na nagtatarabaho ako ibang bansa. Sa totoo lang, gusto ko talagang magtrabaho sa abroad dahil sa totoo lang, dito sa atin ay hindi gaganda ang kinabukasan ko.
Naghihintay,
Mintchi
Sa iyo Mintchi,
Tulad ng iyong panaginip na mga bagong damit, ang buhay mo ay magbabago rin. Tulad ng mga damit sa mall, ang iyong personalidad ay mas malaki ang halaga, as in, mas angat na angat ka kung ikukumpara sa iyong kasalukuyang buhay.
Wala namang makitang dahilan mula sa iyong panaginip kung paano ito mangyayari, pero ginagarantiyahan na tulad ng nasabi na, lalaki ang iyong halaga, as in, angat na angat ka.
Matutupad ang pangarap mong makapagtrabaho abroad dahil marami ang hindi na makakabalik sa mga kababayan nating nagsiuwi dahil sa COVID-19 dahil may nahanap na silang pagkakaabalahan dito sa atin.
Ang mga single naman nang sila ay nasa abroad ay nagkaasawa at may anak na.
Maghintay ka lang ng pagkakataong papayagan nang magtrabaho sa ibang bansa ang mga Pinoy.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments