top of page

Bagong career, nakatakdang magpayaman sa tambay

  • BULGAR
  • Oct 16, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 16, 2022




KASAGUTAN

  1. Tama ka, straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) ang namataang guhit sa iyong mga palad, na sinabayan ng paghinto ng Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na pansamantalang pagkawala ng hanapbuhay o trabaho ang magtutulak sa iyo upang magbago ka ng linya. Mula sa dating pangkaraniwang manggagawa o trabahador, ang luminaw, kumapal at humabang Business Line o Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. N-N arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ang kumumpirma na ang mangyayari sa kapalaran mo ay “change of career” o pagbabago ng linya.

  2. Ibig sabihin, kung noon ay sumusuweldo ka tuwing sasapit ang ika-15 at katapusan ng buwan, sa bagong linya, bukod sa wala ka nang amo, ang tubo o balik ng iyong puhunan ay matatanggap mo na araw-araw. At kapag pinaikot mo nang pinaikot ang nasabing tubo araw-araw, mabilis na lalago ang papasukin mong negosyo.

  3. Ayon sa zodiac sign mong Libra, may kaugnayan sa produktong pagkain ang maiisipan mong negosyo at dito ka unti-unting uunlad hanggang sa yumaman. Sa panahong tinuran, tuluyan nang matutupad ang nais sabihin ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Dahil sa pagiging praktikal, masinop sa kabuhayan at pagmamahal sa salapi, gayundin sa negosyo na iyong sisimulan, kusa ka nang uunlad at yayaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sabi ng bida isang pelikula, “Kapag minamahal mo ang salapi, kusa itong lalapit sa iyo at dadami nang dadami. Kaya sa tuwing makakahawak ng perang papel ang bida, inaamoy-amoy pa niya ito bago ipasok sa kanyang kahadiyero.”

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Rainier, sa taong ito at sa buwan ng Nobyembre, habang papalapit ang Pasko, bagong hanapbuhay o negosyo na may kaugnayan sa produktong pagkain ang madidiskubre at masisimulan mo.

  3. Sa negosyong nabanggit, katuwang ang iyong may bahay na isinilang naman sa zodiac sign na Sagittarius at may birth date na 14, tiyak ang magaganap, sa pamamagitan ng bagong source of income at pagpapairal ng pagmamahal sa salapi, unti-unti na kayong uunlad at yayaman. Pagkalipas ng pito hanggang walong taong pagnenegosyo, sa taong 2029 at sa edad mong 55 pataas, magaganap ang nais ipahiwatig ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad — kusa na kayong yayaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page