ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 20, 2024
Iniulat ng Comelec na sa unang linggo ng rehistrasyon para sa eleksyon 2025, mahigit sa 340,000 bagong botante ang naitala.
Nakitaan ng pinakamaraming bilang ng bagong rehistrante ang Calabarzon at Metro Manila, na may bilang na 61,736 at 48,187, ayon sa pagkakasunod, mula Pebrero 12 hanggang 17.
Opisyal na binuksan ang rehistrasyon ng mga botante para sa pambansang halalan at lokal na halalan sa 2025 noong Pebrero 12 at magpapatuloy hanggang Setyembre 30.
Ayon sa Comelec, kasalukuyang may 68 milyong rehistradong botante sa Pilipinas.
Comments