top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Bago nagsalita in public… CANDY: PATRICK, KINAUSAP MUNA SANA SI JENNYLYN

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | October 6, 2026



SPECIAL ARTICLE - CANDY- PATRICK, KINAUSAP MUNA SANA SI JENNYLYN_FB Screengrab Kalurks!

Photo: FB Screengrab Kalurks!



Matapos ma-bash ang best friend niyang si Gelli de Belen dahil nagsalita tungkol sa isyu nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, nagbigay din ng kanyang two cents ang comedy actress na si Candy Pangilinan.


Sa guesting niya nitong Linggo, Oktubre 4, sa GTV’s Kalurks para sa promotion ng upcoming movie niyang Pee Mak, napag-usapan din ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Patrick, Jennylyn at ng asawa nitong si Dennis Trillo.


Bilang isang ina ng neurodivergent na anak na si Quentin, sinabi ni Candy na para sa kanya, mas mabuting naayos muna sana nang pribado nina Patrick at Jennylyn ang kanilang personal na problema, lalo na’t sangkot dito ang kanilang anak na si Alex Jazz.


“Siguro, kung ako ‘yun, opinyon ko lang naman po ‘to, ‘wag naman po kayong magagalit bilang may anak din naman po ako na special, na neurodivergent,” pahayag ni Candy.


Ayon kay Candy, bago sana nagsalita si Patrick sa publiko tungkol sa naging past nila ni Jenn, mas makabubuting personal muna nitong pinuntahan ang aktres at anak nilang si Jazz upang maayos nila ang kanilang sitwasyon.


“Para siguro maayos ang lahat, bago siguro nagsalita si Patrick sa maraming tao, pinuntahan muna n’ya si Jennylyn and inayos n’ya ito nang tahimik,” ani Candy.

“Privately, nag-usap sila. Kinilala n’ya si Jazz, just the two of you. Just privately. At nagkaroon sila ng taimtim na pag-uusap at nakilala n’ya, silang dalawa, pati si Jennylyn,” dagdag pa niya.


Binigyang-diin din ni Candy na bata pa rin si Jazz at dapat mabigyan ito ng pagkakataong magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang ama.

“Si Jazz is a child, neurodivergent, and will always be a child. He (Patrick) will have all the chance to be a friend to his child, give himself a chance to be a friend to this child of his,” pahayag ng komedyana.


Matatandaang nagpahayag din ng parehong concern ang longtime friend ni Candy na si Gelli, na nanawagan na huwag sanang kalimutan ng mga taong sangkot sa kontrobersiya na may mga batang naaapektuhan sa isyu.


“‘Di kailangang maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan ‘yung anak ni Patrick,” pahayag ni Gelli.


Sa pagsasalita ni Candy, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Dennis?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page