Badyet sa flood control projects, bantayan maigi
- BULGAR

- Aug 7
- 1 min read
by Info @Editorial | August 7, 2025

Kinumpirma ng Department of Budget and Management (DBM) na tinapyasan ng halos P72 bilyon ang panukalang pondo para sa mga flood control projects sa 2026.
Mula sa kasalukuyang P346.6 bilyon, aabot lamang sa P274.9 bilyon ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
Bagama’t ayon sa DBM, nirerepaso pa ang panukalang pondo para sa mga naturang proyekto at posibleng maglaan pa ng karagdagang budget kung kinakailangan.
Kaugnay nito, sa harap ng tumitinding pagbaha at epekto ng climate change, may pangamba kung sapat pa ba ang pondo upang maprotektahan ang mga komunidad.
Ang tamang paglalaan ng pondo ay tungkulin ng gobyerno — at karapatan ng publiko na maunawaan ito.
Sa huli, kahit gaano pa kalaki ang pondo kung ito’y hindi nagagamit nang maayos at tapat, wala ring mangyayari, lubog pa rin ang bansa at malalagay sa alanganin ang buhay ng mamamayan.





Comments