Bad news sa 2023, hindi na nga libre ang sakay, isasapribado pa ang EDSA bus carousel
- BULGAR
- Jan 3, 2023
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 3, 2023
PA-NEW YEAR NG DOTr AT LTFRB, WALA NANG LIBRENG SAKAY SA EDSA BUS CAROUSEL—Inanunsyo nina DOTr Sec. Jaime Bautista at LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na ngayong pagpasok ng 2023 ay wala nang libre sakay sa EDSA bus carousel.
Hay naku, sana ay ipinagpatuloy muna ang libreng sakay sa EDSA bus carousel hangga't sumisirit pa ang inflation rate kasi malaking bagay sa masa ang free ride sa panahong nakapakataas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.
◘◘◘
KAPAG PRIVATE NA ANG EDSA BUS CAROUSEL, TIYAK NA WALANG PUKNAT ANG TAAS-SINGIL SA PASAHE—May isa pang pa-bad news sa mamamayan si DOTr Sec. Bautista at ito ay ang plano ng pamahalaan na i-privatize na ang EDSA bus carousel.
Bakit bad news? Siyempre, kapag pribadong kumpanya na ang may-ari ng EDSA bus carousel, ang dulot niyan ay walang puknat na taas-singil sa pamasahe.
◘◘◘
OIL PRICE HIKE NA NAMAN—Hindi lang DOTr at LTFRB ang may pa-"bad news" sa mamamayan ngayong 2023, kundi pati ang Energy Regulatory Board (ERC).
Inaprub ng ERC ang oil price hike na mag-start ngayong January 3, 2023, na ang dagdag sa kada litro ng gasolina ay P2.45 hanggang P2.85; sa kada litro ng diesel ay P2.00 hanggang P2.40 at sa kada litro ng kerosene ay P2.75 hanggang P3.05.
Hindi lang motorista ang "aaray" sa oil price hike, kundi pati ang masang Pinoy kasi alam n'yo naman, 'matic na kapag nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, ang kasunod niyan ay taas-presyo ng mga bilihin at bayarin.





Comments