top of page
Search
  • BULGAR

Bad habits na dapat itigil para magkaroon ng inner peace

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| July 5, 2020




Nasa point na tayo na gusto nating makilala ang “better version of ourselves,” tipong nagkaroon pa tayo ng New Year’s resolution para ma-achieve ito, pero kumusta naman ang resolution n’yo?


Gayunman, lahat tayo ay may toxic traits o bad habits na hindi natin gusto at dapat nang i-let go para sa ating inner peace. Pero anu-ano ang mga ugaling dapat baguhin para maging mas mabuting tao?

1. PAGIGING PERFECT. Sa lahat ng bagay, kailangan nating maglaan ng “room” para sa failures dahil dito tayo natututo. Kumbaga, ‘pag wala nito, hindi natin alam kung saan tayo dapat mag-improve. Normal lang na magkamali at hindi natin kailangang magpaka-stress na dapat lahat ay organized, tama o nangyayari base sa ating plano. ‘Ika nga, may ups and downs sa buhay at kailangan natin itong tanggapin. May mga bagay na “perfect” natin, pero meron ding hindi at okay lang ‘yun.

2. APPROVAL NG LAHAT. Sa bawat gagawin natin, hindi nawawala ang tanong na “Magugustuhan kaya nila?” “Okay lang kaya sa kanila?” Sila ang palagi nating ikinokonsidera pagdating sa pagdedesisyon kesa sa ating sariling happiness at feelings, at ang masaklap pa, tayo ang nagsasakripisyo para sumaya sila. Mga besh, kung palagi tayong gagawa ng desisyon na labag sa kalooban natin, mabubuhay lang tayo sa regret o pagsisisi. Kung ano ang magpapasaya sa atin, ‘yun ang gawin natin. We don’t need anyone’s approval dahil buhay natin ito at tayo ang dapat may kontrol dito.

3. NEGA SA IBANG TAO. Itigil ang habit na pagpuna sa ibang tao, may ginawa man sila sa atin o wala dahil sa totoo lang, mas mabuting magpokus sa sarili nating buhay kesa sa ibang tao. Tandaan, walang magandang maidudulot ang panghuhusga sa ibang tao dahil nakakasakit lang ito sa kanila, gayundin, wala itong maibibigay na maganda sa atin. Sabi nga, kung walang magandang sasabihin, tumahimik na lang.

4. MAHILIG MANISI. Pansin n’yo ba, madalas tayong manisi ng ibang tao para hindi tayo ma-guilty? Tipong pa-victim ang peg sa mga nangyayari sa buhay para kaawaan ng iba. Well, may ibang tao mang involved, pero tayo pa rin ang responsable sa lahat ng nangyayari sa ating buhay. Tayo ang dapat maging accountable sa lahat ng iisipin, desisyon at ikikilos natin. Kung nagkamali, matutong tanggapin ito sa halip na manisi ng ibang tao.

5. OVERTHINKING. Aminin na natin, may mga bagay na hindi natin nako-control. Kahit pinlano ito, kung nakatakdang mangyari, magyayari talaga ito. Kung may mga bagay tayong gustong gawin, go for it. Iwasang mag-assume ng mga bagay na hindi pa nangyayari. Kung gusto mong magnegosyo, go! Kung planong mag-aral ulit, why not? Mga bes, subok lang naman at hindi natin alam kung ano’ng mangyayari kung hindi natin subukan. Mas okay sumubok kesa magsisi paglipas ng panahon.

6. PAGKUKUMPARA SA IBA. Sabi nila, life is a rat race. Kumbaga, patuloy tayong nakikipagkompitensiya sa iba para sa pera, fame at success. Pero sa totoo lang, wala itong katapusan at habang tumatagal, lalo tayong naghahangad ng mas malaki para sa ating sarili. Hindi naman ito masama, pero posibleng umabot sa point na kapag may nauna sa atin ay ikukumpara natin kung ano ang meron sila na wala tayo, na puwedeng magresulta sa urge na labanan sila sa hindi magandang paraan.

Kung talagang gusto nating magbago at mag-let go ng bad habits, kailangan natin itong simulan nang paunti-unti o ‘ika nga, baby steps.


Lahat tayo ay may kani-kanyang paraan para mabago ito. Kaya para sa mga working for better version of themselves, go lang!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page