top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Babalikan ng mister kahit 1 week nang ‘di umuuwi

BULGAR
May 25, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 25, 2022



KATANUNGAN

  1. May asawa na ako at anim na taon na kaming nagsasama, ang problema, on the rocks ang aming relasyon ngayon dahil sa financial problems. Gusto kong malaman kung tuluyan na ba kaming maghihiwalay? Isang linggo na siyang hindi umuuwi mula nang kami ay mag-away at ako lang ang namumroblema sa aming mga anak.

  2. Balak ko na siyang tawagan at pauwiin, kaya lang, baka isipin niyang ako ang may kasalanan sa aming pag-aaway kung ako ang unang gagawa ng hakbang upang umuwi na siya.

  3. Maestro, halimbawang hindi ko siya tawagan, nais ko ring malaman kung babalikan niya ba ako nang kusa upang muling mabuo ang aming pamilya?

KASAGUTAN

  1. Hindi tuluyang masisira ang inyong pamilya, Dianne, sa halip, sa malapit na hinaharap ay muling babalik si mister sa inyong tahanan.

  2. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isa, malinaw at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) na kinumpirma rin ng maayos, walang putol at walang bilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na, tama ka, kahit hindi mo tawagan o pauwiin ang iyong mister, kusa siyang babalik sa inyong bahay sa sandaling maisip niya na mali ang kanyang pag-abandona sa inyo sa panahon na kailangang-kailangan n’yo siya.

  4. Sa puntong ito ng kanyang buhay-pag-aasawa, tulad ng nasabi na, sa kanyang pagbabalik, muli at lalo pang mag-aalab ang inyong pagmamahalan upang harapin ang bagong hamon ng buhay – ang krisis-pampinansyal na kasalukuyan n’yong nararanasan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa totoo lang, hindi solusyon ang pag-aaway ng mag-asawa upang malusutan ang krisis sa pinansiyal na aspeto na nararansan ng isang pamilya, sa panahon ngayon na patuloy pa ring nananalasa ang pandemya. Sa halip, ang tama at eksaktong solusyon ay ang pagtitipid.

  2. Maraming bagay, klase o uri ng pagtitipid na kung ililista nang sistematiko sa isang kuwaderno ni tatay at nanay, habang katulong ang mga anak sa pagpapatupad nito, hindi malayong sa halip na ang mga problemang pampinansiyal ay masolusyunan at tulad ng nasabi na, makakatulong pa ito upang mabuo at lalong magmahalan ang isang pamilya.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Dianne, kung isang linggo nang hindi umuuwi si mister, hindi na ito aabutin pa ng ikalawa hanggang ikatlong linggo. Sa susunod na mga araw, tiyak ang magaganap, babalik na si mister upang magkasama-sama at muling mabuo ang isang bagama’t naghihirap ay tiyak namang masaya pa rin at nagtutulungan na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page