top of page
Search
  • BULGAR

Babala sa mga sumasakit ang puson at nilalagnat!

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | January 4, 2021





Dear Doc. Shane,


Ako ay 40 yrs. old at nagpa-papsmear ako two weeks ago. Nang makuha ko ang resulta, nakasulat na may follicular cervicitis ako pero wala naman akong nararamdamang kakaiba, wala rin akong discharge o nararamdamang pangangati, maliban lamang noong mga ilang linggo na ang nakalilipas bago ako magpa-papsmear; masakit ang aking pag-ihi na para bang may UTI ako. Ano kaya ito? – Belinda


Sagot


Kapag sinabing cervicitis, ang ibig sabihin ay mayroon kang impeksiyon sa cervix (ang puwerta ng uterus). Dahil ito sa impeksiyon ng isang bakterya (alinman sa chlamydia o gonorrhea). Isa itong sakit na naipapasa sa pakikipagtalik (sexually transmitted disease (STD)) at labis na nakahahawa. Naipapasa ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa may impeksiyong kapareha.


Maaaring walang mga sintomas ang mga babaeng may impeksiyon sa cervix o banayad lamang ang mga sintomas sa umpisa ng sakit. Kaya naman, posibleng maipasa ang impeksiyong ito nang hindi alam na mayroon ka nito.


Karaniwang lumilitaw ang mga sintomas nito dalawang araw hanggang tatlong linggo pagkaraan ng pagkalantad. Maaaring mayroong lumalabas sa ari ng babae. Maaari ring may pananakit o hapdi kapag umiihi. Kung kumalat na ang impeksiyon sa mga fallopian tube, nagsasanhi ito ng pelvic inflammatory disease (PID). Nagsasanhi ang PID ng mga sintomas ng pananakit ng puson at lagnat. Kung hindi magagamot, maaaring maging sanhi ng pagkabaog (hindi magkaanak) ang chlamydia o gonorrhea dulot ng pagsusugat ng mga fallopian tube. Pinatataas din ng PID ang panganib ng ectopic pregnancy sa hinaharap.


Maaari ring magamot at malunasan ang impeksiyong ito. Maaari ring isagawa ang isang culture test upang makumpirma ang diagnosis. Gamot na antibiotic ang gagamitin sa panggagamot.


Makatutulong ang mga sumusunod na payo:

  1. Sabay dapat na gamutin ang iyong kapareha (sexual partner) kahit pa walang mga sintomas.

  2. Iwasan ang mga seksuwal na aktibidad hanggang sa makumpleto mo at ng iyong kapareha ang lahat ng gamot na antibiotic at sinabihan ka ng iyong doktor na hindi ka na nakahahawa.

  3. Gamitin ang lahat ng gamot hanggang sa maubos ang mga ito; kung hindi, maaaring bumalik ang mga sintomas.

  4. Mahalagang matuto sa ligtas na pakikipagtalik at gamitin ito sa hinaharap. Pinakaligtas na pakikipagtalik ang sa iisang kapareha na nasuring negatibo at nakipagtalik lamang sa iyo. Proteksiyon ang mga condom sa pagkalat ng ilang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik kabilang ang gonorrhea, chlamydia at HIV, ngunit, hindi ito nagagarantiyahan.


Sa iyo, Estela, mahalagang maipakita sa iyong doktor ang resulta ng iyong pap smear at kung bibigyan ka ng gamot ay kailangang ubusin mo ito at kailangan ding magamot si mister at mag-follow up muli sa iyong doktor at mainam na magsagawa ng culture test, pagkaraan ng paggamot upang makasiguro na nawala na ang impeksiyon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page