top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Babala ng World War III

  • BULGAR
  • Sep 5, 2022
  • 1 min read

Updated: Sep 7, 2022

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 5, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Pasig City.


Dear Maestra,


Isa ako sa maraming tagahanga ng inyong kolum tungkol sa panaginip.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nanood ako ng concert. Ang lakas ng aircon at ginaw na ginaw ako, tapos nagkasipon ako sa sobrang lamig, kaya hindi ko na tinapos ang concert at lumabas na ako. Pagtingin ko sa langit, may nakita akong comet.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna



Sa iyo, Lorna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nanood ka ng concert ay babala o warning na masasangkot ka sa isang gulo. Ang nagkasipon ka sa sobrang lamig ay nangangahulugang may matatanggap kang sulat na dapat mong bigyang-pansin ang nilalaman dahil may malaki itong epekto sa kasalukuyan mong kalagayan.


Samantala, ayon sa iyo, hindi mo tinapos ang concert at paglabas mo ay nakakita ka ng comet sa langit, ito ay nangangahulugan na may banta ng giyera sa ating bansa. May posibilidad na sumiklab ang 3rd world war.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page