Babala ng pagkalugi sa negosyo at pagkasira ng reputasyon
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 18, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mario ng Sta. Cruz, Manila.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo.
Sumangguni ako dahil gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nahulog sa kanal ang kotseng minamaneho ko, pero mababaw lang naman ito. Hindi naman ako nasugatan, pero ang dumi ng damit ko at puro putik ito.
Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Mario
Sa iyo, Mario,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nahulog sa kanal ang kotseng minamaneho mo ay babala na may posibilidad kang malugi sa kasalukuyan mong negosyo. ‘Yun namang hindi ka nasugatan, pero marumi ang damit mo at puro putik, ito ay nangangahulugan na masasangkot ka sa isang eskandalo. Masisira ang reputasyon mo dahil na rin sa hindi mo pag-iingat sa sasabihin ng mga tao. Pero huwag kang mag-alala dahil pagdaan ng mga araw ay unti-unti ring maibabalik ang respeto ng mga taong nakapaligid sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments