top of page

Babala ng kabiguan sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 7, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 7, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Siony ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na tumubo na ‘yung tinanim kong beans sa likod ng aming bahay.


Kumuha ako ng basket at dito ko nilagay ‘yung sariwang beans na halos umabot ng dalawang basket. Niluto ko agad ito para sa aming tanghalian.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Siony


Sa iyo, Siony,


Ang ibig sabihin ng beans ay gulo. Madadamay ka sa gulo na mayroon d’yan sa lugar n’yo.


Kung ang basket ay walang laman, ito ay nangangahulugan ng kabiguan sa iyong mga pinaplano.


Subalit, ang sabi mo ay punumpuno ito ng beans, ito ay nagpapahiwatig na malalampasan mo ang mga kabiguang iyong mararanasan.


Samantala, ang dalawang basket naman na pinaglagyan mo ng beans ay tanda ng pabagu-bago mong desisyon. Mas makakabuting huwag mo nang baguhin pa ang iyong desisyon. Kapag sinunod mo ito, mas gaganda ang iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page