top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Babala ng DepEd sa mga titser: Estudyante, bawal i-content sa socmed

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 15
1 min read

ni Mervin Reyes @News | August 15, 2026



Babala ng DepEd sa mga titser: Estudyante, bawal i-content sa socmed

Photo: FIle / DepEd PH



Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa mga guro laban sa paggamit sa kanilang mga estudyante bilang content sa social media nang hindi isinasaalang-alang ang mga patakaran sa privacy at child protection.


Pinaalalahanan ng ahensya ang mga guro na maging maingat sa pagpo-post ng mga larawan, video at iba pang materyal na nagtatampok sa mga mag-aaral, lalo na kung maaaring malagay sa panganib ang kanilang seguridad, dignidad at mga karapatan.


Ayon sa ahensya, ilang insidente ang naitala kung saan ginagamit ng mga guro ang kanilang propesyon sa paggawa ng online content.


Giit ng ahensya, ang pagsasama sa mga estudyante sa ganitong content ay maaaring lumabag sa ethical standards ng DepEd.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page