Babala na may mga pagkukulang bilang asawa
- BULGAR

- Sep 5, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | September 5, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Vannah ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Palagi akong nananaginip na may relasyon ‘yung kapatid at asawa ko. Sa panaginip, iniwanan na ako ng asawa ko, tapos hindi ko matanggap ‘yung nangyari hanggang sa sinundo ako ng ex ko, pero bigla niya akong iniwanan habang naghahanap kami ng daan. Tapos walang daanan hanggang sa umalis na lang siya.
Ano ang kahulugan nito? Maraming salamat!
Naghihintay,
Vannah
Sa iyo Vannah,
Kapag ang nanaginip ay may pagkukulang sa kanyang asawa o karelasyon, siya ay mananaginip na iniwanan o ipinagpalit siya.
Dahil dito, suriin mo ang iyong sarili. Subukan mong hanapin kung may mga pagkukulang ka sa mister mo.
Ang mga pagkukulang sa buhay may-asawa ay puwedeng ang mga sumusunod:
Sarili mo lang ang pinahahalagahan mo.
Nakalimutan na ang mag-asawa ay pantay lang. Kumbaga, ang mister o misis ay hindi dapat umaasta na mas magaling siya sa kanyang asawa.
Nakalilimutan mo ang obligasyon mo sa iyong asawa.
Ikaw lang ang masaya at siya ay hindi.
May bago kang damit, tapos siya ay wala.
Gusto mo ay ikaw palagi ang masusunod.
Nakalimutan mo ang mga pangangailangan ng iyong asawa.
Marami pang iba, pero ikaw na ang maghanap ng mga pagkukulang at pagkakamali mo. Huwag kang matakot dahil hindi naman totoo na may relasyon ang iyong asawa at kapatid. Kaya mo lang ito napanaginipan ay dahil may mga pagkukulang ka bilang misis.
Kapag naayos mo na ang iyong mga pagkakamali, mauunawaan mo na rin na ang kapatid mo sa panaginip at ikaw ay iisa, kumbaga, ikaw ang karelasyon ng mister mo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







napanaginipan ko po na pinahalik ng live in ko po ang pinsan ko hanggang sa nahuli ko po sila at umalis po silang dalawa