top of page

Babala na may gustong magpapangit ng imahe

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2020
  • 1 min read

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 11, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Lynda na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Ano ang kahulugan ng biglang nalagas ang mga ngipin ko sa harapan? Gusto kong pumunta sa dentista, pero sarado dahil may COVID-19. Kaya sa panaginip ko, hindi ako ngumingiti at laging nakasara ang bibig ko. Hindi naman ako bungi sa totoong buhay.


Naghihintay,

Lynda


Sa iyo Lynda,


Minsan, sa buhay ng tao, tinatalo siya ng kanyang mga lihim na kaaway at wala silang magawa dahil lihim ang mga ito. Madalas, kapag ang tao ay mas angat kaysa sa kanyang kapwa, siya ay sinisiraan.


Kapag talo ng isang tao ang kanyang karibal, siya ay sisiraan para kahit paano ay maka-iskor ang kanyang natalo.


Lynda, ito ang mga tagong dahilan kung bakit ang tao ay nananaginip na nasira ang kanyang mga ngipin sa harapan.


Mag-ingat ka at dapat ay matalas ang iyong pakiramdam sa mga lihim na naghahangad na pumangit ang imahe mo sa mga tao, lalo na sa mahal mo o sa amo na pinaglilingkuran mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page