top of page
Search
  • BULGAR

Babala na mawawalan ng ari-arian at trabaho

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 17, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonjon ng Bulacan.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na tumatakas ako dahil may humahabol sa akin? Bigla akong lumutang, pero bigla rin akong bumagsak, tapos nakarinig ako ng pagsabog. May sumabog na bomba malapit sa pinagbagsakan ko.


Naghihintay,

Jonjon


Sa iyo, Jonjon,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tumatakas ka dahil may humahabol sa iyo ay masasangkot ka sa malaking gulo, pero malulusutan mo ito. ‘Yung bigla kang lumutang ay nagpapahiwatig na mabibigo ka sa pag-ibig, kung saan maba-basted ka ng napupusuan mo.


Samantala, ang sabi mo ay bigla ka ring bumagsak, ito naman ay nangangahulugan na mawawalan ka ng ari-arian. Mananakawan ka at may posibilidad na matanggal ka rin sa trabaho.


Ang narinig mong pagsabog malapit sa lugar kung saan ka bumagsak ay nangangahulugan na may napakahalaga at malaking pagbabago na magaganap sa buhay mo.

Dahil dito, ihanda mo ang iyong sarili sa susunod na mga araw upang matanggap mo nang maluwag sa kalooban ang nakatakdang pagbabago na parating sa buhay mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page