top of page
Search
  • BULGAR

Babala na mawawalan ng ari-arian

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 6, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leo ng Zamboanga.


Dear Maestra,


Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nagtatrabaho ako sa isang factory nang bigla akong nakarinig ng pagsabog. Sumilip ako sa labas at kitang-kita ko ang pagsabog ng katabi naming pagawaan ng paputok.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leo



Sa iyo, Leo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagtatrabaho ka sa factory ay pansamantalang magkakaroon ng kalutasan ang problema mo sa pinansiyal na aspeto.


Samantala, ang sabi mo ay nakarinig ka ng pagsabog habang nagtatrabaho ka sa factory, ito naman ay nagpapahiwatig ng biglaang pagbabago sa mga plano mo.


Tungkol naman sa sumilip ka sa labas at kitang-kita mo ang pagsabog ng katabi n’yong pagawaan ng paputok, ito ay nangangahulugan na mawawalan ka ng napakahalagang ari-arian.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page