Babala na mahihiwalay sa mister
- BULGAR
- Dec 17, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Bataan.
Dear Maestra,
Wala akong salamin sa mata, pero kagabi napanaginipan ko na may suot akong eyeglass, at noong isang gabi, napanaginipan ko naman na nabasag umano ang suot kong salamin sa mata. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Ang panaginip mo na may suot kang eyeglass pero wala ka naman talagang salamin sa mata ay nagpapahiwatig na may posibilidad na mawasak ang iyong pamilya.
Magkakahiwalay din kayo ng mister mo dahil sa matinding pagtatalo at hindi pagkakaunawaan sa maraming bagay.Samantala, ang nabasag ang eyeglass mo ay tanda na makararanas ka ng kabiguan sa buhay pero hindi naman ito gaanong makakaapekto sa iyo, malalampasan at mapagtatagumpayan mo pa rin ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments