Babala na mabibiyuda
- BULGAR
- Feb 6, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 06, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Nora ng Tacloban.
Dear Maestra,
Isa akong manghuhula. Dahil d’yan, madalas akong managinip ng baraha. May hawak akong baraha, at noong una, naglalaro lang ako hanggang maisipan kong balasahin ito upang hulaan ang aking sarili. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Nora
Sa iyo, Nora,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalaro ka ng baraha ay may posibilidad na mabiyuda ka. Samantala, ang sabi mo ay naisipan mong hulaan ang iyong sarili gamit ang iyong baraha, ito ay nagpapahiwatig na dapat mong pag-ukulan ng pansin ang kahulugan ng nakita mo sa baraha dahil posibleng magkatotoo ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments