Babala na mabibigo sa pag-ibig
- BULGAR
- Nov 9, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 9, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreto ng Pasay City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakatanggap ako ng liham, natawa ako ng malakas nang mabasa ko ang nilalaman nito, kaya kumuha agad ako ng papel para sagutin ito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Loreto
Sa iyo, Loreto,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatanggap ka ng liham ay makakatanggap ka rin ng hindi inaasahang magandang balita galing sa kaibigan mo na nagtatrabaho sa malayong lugar. Ito rin ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang regalo.
Ang kumuha ka ng papel para sagutin ang sulat na natanggap mo, ito ay nangangahulugan na may gagawin kang magandang bagay na ikakatuwa ng taong nasa paligid mo.
Samantala, ang natawa ka ng malakas nang mabasa mo ang nilalaman ng liham ay senyales na mabibigo ka sa pag-ibig. Ito rin ay paalala na iwasan mong magbitiw ng masasakit na salita kapag kausap mo ang iyong karelasyon dahil maaari siyang masaktan sa mga sasabihin mo na puwede rin maging sanhi ng inyong ‘di pagkakaunawaan at tuluyang paghihiwalay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments