Babala na ‘di matutuloy ang kasal
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 25, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenz ng Bulacan.
Dear Maestra,
Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay at gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko. Napanaginipan ko na pumunta ako sa bahay ng kapatid ko, tapos may alaga siyang lovebirds. Ipinakita niya pa sa akin ang iba’t ibang lovebirds na nakakulong sa cage. Napansin ko na walang laman ‘yung ibang cage, tapos nagtaka ako dahil pinakawalan niya ‘yung ibang lovebirds.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lorenz
Sa iyo, Lorenz,
Ang panaginip na ipinakita ng kapatid mo ang alaga niyang lovebirds na nakakulong sa cage ay nagpapahiwatig na malapit ka nang magpakasal. ‘Yun namang cage na walang laman ay nangangahulugan na maaaring hindi matuloy ang kasal mo dahil may posibilidad na magbago pa ang isip ng babaeng binabalak mong pakasalan.
Samantala, ang sabi mo ay nagtaka ka dahil pinakawalan ng kapatid mo ‘yung ibang lovebirds, ito naman ay nangangahulugan na may paparating na problema sa buhay mo. May nagbabantang gulo, kaya dapat kang mag-ingat sa susunod na mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments