top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Babala na ‘di matutuloy ang kasal

BULGAR
Jul 12, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 12, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Masbate.


Dear Maestra,


Malapit na akong magpakasal sa babaeng napupusuan ko. May kaugnayan ba ang panaginip ko sa nalalapit kong pagpapakasal? Madalas akong managinip na umaakyat ako sa bundok. Sinisikap kong makarating sa tuktok, pero palagi akong bumabagsak.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gerry



Sa iyo, Gerry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umakyat ka sa bundok, pero hindi mo narating ang tuktok, sa halip ay bumagsak ka, ito ay nagpapahiwatig na sa kabila ng pagsusumikap mo, bigo at bigo ka pa rin.


Samantala, ang sabi mo ay malapit ka nang magpakasal sa iyong napupusuan, ang panaginip mo ay nagpapahiwatig na may hindi inaasahang pangyayari ang magaganap bago ka ikasal. Dahil d’yan, hindi matutuloy ang kasalan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page