top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Babala na aagawin ng kakumpitensiya ang mga suki

BULGAR
May 23, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 23, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loyd ng Marinduque.


Dear Maestra,

Binata pa ako, pero mayroon na akong napupusuan para pakasalan. Gayundin, may negosyo ako ngayon kung saan nagde-deliver ako ng bigas sa iba’t ibang lugar.


Napanaginipan ko na pumunta ako sa bukid namin, tapos may katabing sapa at lumapit ako ru’n. Akala ko ay malinis ang tubig, pero marumi pala at maraming maliliit na butete o ‘yung nagsisimula palang na maging palaka.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loyd


Sa iyo, Loyd,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay may mahigpit kang kakumpitensiya sa negosyo. Gagawin niya ang lahat para sulutin ang mga suki mo. Magrarasyon din siya ng bigas sa mga lugar na pinupuntahan mo, kung saan mas mababa ang ibibigay niyang presyo para tuluyan nang humina ang negosyo mo at sa kanya mapunta ang mga suki mo.


Samantala, ang sabi mo ay may napupusuan ka na para pakasalan, ang panaginip mo ay nagpapahiwatig na hindi pa handa ang napupusuan mo para magpakasal sa iyo. Undecided pa siya o pabago-bago ang isip at hindi pa siya sawa sa buhay dalaga. Nagkikipagbolahan pa siya sa iba at enjoy na enjoy pa siya sa pagiging single.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page