top of page

Babaeng NPA, sumurender

  • Balitang Probinsya
  • Oct 24, 2020
  • 1 min read

CAGAYAN—Isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Tammuco, Sto. Nino.

Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang sumukong NPA na miyembro ng “Militia ng Bayan” na nakabase sa nasabing lalawigan.

Nabatid na isinuko rin ng rebelde ang dala niyang armas, mga bala at subersibong dokumento sa Cagayan Provincial Police Office.

Ayon sa sumukong NPA, nais na niyang magbagong-buhay kaya sumuko siya sa pamahalaan.

Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page