top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Babae, arestado sa 'panggagantso' na umabot sa P5-M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Arestado ang isang babae sa Itogon, Benguet sa isinagawang entrapment operation dahil sa panghihingi ng pera sa mabibiktima upang hindi hulihin sa kasong illegal recruitment, ayon sa pulisya.


Kinilala ang suspek na si Anabel de Guzman, na nanggagantso at bina-blackmail umano ang nagiging biktima.


Sinimulan ni De Guzman ang kanyang modus noong Nobyembre at umabot na P5 milyon ang nakukulimbat na pera sa mga biktima.


Napag-alamang ang suspek ay wala pang record na kaso sa pulisya.


Subalit, itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kanya at sinasabing sa isang abogado niya ibinibigay ang lahat ng nakukuhang pera.


Nahaharap sa kasong swindling at estafa ang suspek na si De Guzman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page