Ayusin ang mass transport para mas maraming mag-commute
- BULGAR

- Sep 19, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | September 19, 2025

Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng bansa, lalo na sa Metro Manila, ay ang mabigat na trapiko at kakulangan sa sistema ng pampublikong transportasyon.
Araw-araw, libu-libong Pilipino ang nagsasakripisyo ng oras, pera, at kaligtasan para lamang makarating sa trabaho o paaralan.
Kung nais ng pamahalaan na mabawasan ang trapik at guminhawa ang daloy ng buhay sa mga lungsod, dapat tutukan ang pagpapalakas sa mass transport system. Kailangan ng modernisasyon, disiplina, at konkretong aksyon.Panahon na para sa seryosong aksyon. Hindi makatarungan na ang mga mamamayang sumusunod sa batas, nagtatrabaho araw-araw, at nagbabayad ng buwis ay araw-araw ding pinapahirapan sa biyahe.
Ang karanasan sa pampublikong transportasyon ay repleksyon ng uri ng pamahalaan na mayroon tayo. At sa kasalukuyan, malinaw na maraming dapat ayusin.
Kung nais nating umunlad bilang bansa, kailangang unahin ang mga batayang serbisyo — at isa na rito ang maayos na mass transport. Ang pagko-commute ay hindi dapat maging kalbaryo, kundi isang maayos na bahagi ng araw ng bawat Pilipino.





Comments