top of page

Ayuno sa loob ng bahay lamang... Ang pagsisimula ng Semana Santa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 23, 2021
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 23, 2021




Ang Semana Santa, Easter Week o ang Passion of Christ ay tinatawag sa buong mundo bilang pinakamahalagang selebrasyon sa parte ng mga Katoliko. Ang pista ay nagsisimula kay Domingo de Ramos (Linggo ng Palaspas) at magtatapos ng Lunes de Pascua (Lunes Santo). Ito ay selebrasyon ng huling araw ng itinatampok sa buhay ni Kristo noong nabubuhay pa at aktibo pa sa buong mundo.


Bawat lugar, ang siyudad at bayan ay may sariling interpretasyon sa kanyang selebrasyon. Magkakaiba sila pero nagpapalabas sila ng may buhay, may kulay, ayon sa kultura, musika at sayaw, lahat ay may relihiyosong kahulugan.

Ngayong, pandemya sa maraming siyudad, ang prusisyon na dating napakahaba at nagtatagal hanggang sa madaling araw, kada gabi hanggang sa Easter Week ay baka limitado na lamang sa ilang tao o hindi na gagawin.


Sa maraming komunidad, ang kabuuang Passion Play ni Kristo ay isinasadula mula sa Huling Hapunan, ang Pagtataksil, ang Panghuhusga, ang Prusisyon ng 12 Stations of the Cross, ang Pagpapako sa Krus at panghuli ang Pagkabuhay na Muli. Ang mga partisipante ay gagampanan ang kanilang papel nang animo’y may katotohanan pero tila ngayong panahon na ito ay iilan lang ang gagawa dahil sa COVID-19.


Noon, may mga prusisyon sa kalye, may bitbit na mga santo at simbolo ng kanilang pananampalataya. Sa Antigua may 100 higit pa sa mga imahe na ito. Ang Semana Santa ay dapat na danasin ng kahit sinong Katoliko upang ganap niyang mayakap ang mayamang kultura sa relihiyon at pananampalataya. Wala ring kahulilip na agos ng emosyon ang umaapaw sa ganitong pagkakataon saan ka mang dumako na bansa. Noon ay matutunghayan ang mga selebrasyon ng Pasyon ni Kristo pero malabo ngayong mangyari. Isang bagay ang tiyak, ang imahe, musika at karanasan ay mananatili na muna sa iyong isipan at puso at ang pandemya ang siyang ating idalangin na matapos na.


Noon, ang Linggong iyan walang pasok sa eskuwela, maging sa trabaho, maraming opisina ang sarado. Pero walang bakasyunista sa mga beach resort at baka wala ring reenactment ng Passion of Christ


Ito rin ang huling Linggo ng Lent at Linggo bago ang Easter. Kabilang na rito ang mga religious holidays ng Linggo ng Palaspas, Huwebes Santo at Biyernes Santo at ang huli ay ang Lazarus Saturday. Habang ang Easter Sunday ay ang unang araw ng bagong season ng The Great Fifty Days. Ginugunita nito ang huling Linggo ng pagkabuhay ni Hesukristo hanggang sa pahirapan siya, at ipako sa krus ng Biyernes Santo at muling nabuhay nang Easter Sunday.


Ang Holy Week sa taon ng Kristiyano ay unang Linggo bago ang Easter. Noong unang panahon, ang isang Linggong ito ay espesyal na ginugunita ayon sa Apostolical Constitutions (v. 18,19) na isinulat sa huling kalahating bahagi ng ikatlong siglo at ikaapat na siglo. Sa panulat na ito, ang pag-aayuno sa pagkain ng karne ay inuutos sa ilang araw, habang ang Biyernes at Linggo ay sadya talagang walang dapat kainin. Ayon sa panulat ni Dionysius Alexandrinus sa kanyang canonical epistle (AD 260), ang 91 araw na pag-aayuno, marapat na panatilihin ang ganitong mga kautusan.

Gayunman, may ilang duda hinggil sa orihinalidad ng ordinansang ito kung saan ang pag-aayuno ng publiko ay dapat na ipatupad sa loob ng pitong araw nang agaran hanggang Easter Sunday. Gayunman ayon sa Codex Theodosianus na lahat ng batas na ito ay dapat itigil at lahat ng batas na umiiral sa korte ay dapat na hindi umiral sa loob ng 15 araw na para sa Diyos. Tanging sa Biyernes Santo lamang dapat mag-ayuno.


Ang sumunod ay ang Sabbatum Magnum ("Great Sabbath", i.e., Sabado de Glorya o Easter Eve) na nagbi-vigil sa madaling araw at inaasahan ang ikalawang adbiyento ay gagawin ng Easter Sunday.


May ilang teksto na ayon sa tradisyon ng Unang Simbahan, ang The pilgrimage of Etheria (tinatawag ding The Pilgrimage of Egeria) na idinedetalye ang kumpletong pagdiriwang ng Semana Santa noong unang panahon. Ngayong pandemya maraming aktibidad ng Simbahang Katoliko ang baka hindi maipatupad dahil sa taas ng kaso ng coronavirus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page